--Ads--

Naisampa na ng mga progresibong grupo ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Pebrero 2, dahil sa umano’y betrayal of public trust o pagtataksil sa tiwala ng publiko.

Ayon sa ulat, inendorso ng Makabayan bloc sa House of Representatives ang reklamo, na tumutukoy sa umano’y maling pamamahala ni Duterte sa pondo.

Ito ang kauna-unahang impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo mula nang ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang kanyang nakaraang impeachment complaint.

Ayon kay Renato Reyes Jr. ng Makabayan, layunin ng bagong reklamo na panagutin si Duterte sa umano’y paglabag sa tiwala ng publiko at maling paggamit ng pondo.

--Ads--

Patuloy na minomonitor ng publiko at mga mambabatas ang kaso habang nasa proseso ang pagsusuri sa nasabing reklamo.