--Ads--

Nagpasalamat si Mayor Leni Robredo kay Pangulong Ferdinand ‘’Bongbong’’ Marcos Jr. matapos matanggap ng Naga City ang ₱500 milyong pondo para sa rehabilitasyon ng mga pangunahing pasilidad sa lungsod.

Sa isang Facebook post nitong Linggo, Pebrero 22, isang araw matapos ang kanilang pagkikita sa lungsod, ipinahayag ni Robredo ang kanyang pasasalamat sa Pangulo para sa turnover ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng ₱500 milyon para sa pagpapagawa at pagpapabuti ng coliseum ng lungsod.

Nagpasalamat din ang alkalde kay Sen. Kiko Pangilinan sa pagtulong na maipaabot ang kahilingan sa Malacañang, gayundin kay Sec. Ralph Recto sa pag-facilitate ng kanilang request.

Ayon sa Alkalde, malaking tulong ang naturang pondo para sa pagpapaunlad ng mga pasilidad na matagal nang nangangailangan ng rehabilitasyon, kabilang ang Metro Naga Sports Complex at Naga City Civic Center.

--Ads--