--Ads--

Dapat maghanap ng ibang depensa ang mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa halip na gamitin ang argumento ng kidnapping sa kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang pahayag ng Malacañang kasabay ng confirmation hearing ng dating Pangulo sa the Hague, Netherlands ngayong Lunes.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, ang argumento ng kidnapping ay isang intriga na ipinapalaganap ng mga miyembro ng DDS (Duterte Die-Hard Supporters), at hindi ito nakatutok sa pagpapakita na walang nangyaring pamamaslang sa kanyang war on drugs.

Dapat maghanap na ng ibang depensa ang kanyang abogado, dahil ang argumento ng kidnapping ay isang intriga na pinapalakas ng mga DDS, ayon kay Castro.

--Ads--

Binigyang-diin niya na hindi kapani-paniwala ang argumento na kinidnap si Duterte papuntang Netherlands, dahil mayroon pa itong doktor at abogado na nag-alaga sa kanya bago siya na-turnover sa ICC.

Dagdag pa ni Castro, sinabi ng dating Pangulo habang nasa eroplano na tinatanggap niya ang lahat ng pagkamatay na naganap sa bansa, pero ngayon ay binabago niya ang kanyang pahayag at tinatanggal ang mga alegasyong may kinalaman sa mga patayan sa Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon.