--Ads--
Nagpatupad na ng panibagong oil price hike ang Shell Pilipinas Corp., Seaoil Philippines Inc., at Chevron Philippines kaninang alas-6 ng umaga ng Martes, Pebrero 24, habang susunod naman ang Cleanfuel mamayang alas-8:01 ng umaga.
Tumaas ng ₱0.60 kada litro ang gasolina at ₱1.20 kada litro ang diesel at kerosene.
Sa kabuuan ngayong taon, umabot na sa ₱4.90 kada litro ang net increase sa gasolina, ₱8.20 sa diesel, at ₱6.20 sa kerosene.
Ayon sa mga analyst, ang pagtaas ay dulot ng umiigting na tensyon sa Middle East at Eastern Europe, kabilang ang mga pahayag ni Donald Trump kaugnay sa Iran at ang panibagong pag-atake sa energy facility ng Russia, na nagdulot ng pangamba sa suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.
--Ads--








