--Ads--

Inihayag ng Philippine Navy na kabuuang 62 barko mula sa China ang namataan sa West Philippine Sea noong Pebrero.

Sa Bajo de Masinloc, naitala ang 11 barko ng People’s Liberation Army Navy at 12 barko ng China Coast Guard.

Sa Ayungin Shoal, dalawang barko ng PLA Navy at 15 ng China Coast Guard ang namataan, habang anim na PLA Navy at pitong China Coast Guard vessels ang naobserbahan sa Escoda Shoal. Sa Pagasa Island, lima na PLA Navy at apat na China Coast Guard vessels ang naitala.

Ayon sa Philippine Navy, ipinapakita ng bilang na ito ang patuloy na ilegal na presensya ng China sa mga lugar kung saan isinasagawa ng Pilipinas ang soberanya, hurisdiksyon, at karapatan sa teritoryo.

--Ads--

Nananatiling committed ang Armed Forces of the Philippines sa pagtatanggol ng teritoryo at soberanya ng bansa, habang iginagalang ang internasyonal na batas at tumutulong sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.