--Ads--

‎Pinagtutuunan ng pansin ng pamunuan ng Barangay Calao East, Santiago City ang pagsasaayos ng mga lumang waiting shed upang magkaroon ng maayos na masisilungan ang mga residente at mga pasahero sa kanilang lugar.

‎Sa panayam ng Radyo Cauayan kay Punong Barangay Dennis Cardenas, sinabi nito na may ilang lugar sa kanilang barangay na mayroon mang waiting shed ay luma na at kinakailangan nang ayusin upang patuloy na mapakinabangan ng publiko.

‎Ayon kay Cardenas, sa kasalukuyan ay apat pa lamang ang waiting shed sa kanilang barangay kaya isa ito sa mga proyektong nais nilang tutukan upang mapabuti ang serbisyong naibibigay sa kanilang mga nasasakupan.

‎Dagdag pa niya na maglalaan ang kanilang barangay ng humigit-kumulang 150,000 pesos para sa pagsasaayos ng mga nasabing waiting shed.

--Ads--

‎Bagamat maliit lamang aniya ang pondo, naniniwala ang punong barangay na malaking tulong pa rin ito upang magkaroon ng maayos na masisilungan ang mga residente at mga pasaherong naghihintay ng masasakyan sa kanilang lugar.