--Ads--

Arestado ang dalawang lalaki sa Brgy. San Juan, Buguey, Cagayan matapos ikasa ng mga awtoridad ang isang coordinated hot pursuit operation.

Ang mga suspek na edad 31 at 48, ay sangkot sa isang insidente ng pagnanakaw sa Lallo, Cagayan na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong indibidwal.

Sa ikinasang operasyon narekober sa mga suspek ang G3 9mm pistol, M16 rifle na may defaced serial number, improvised shotguns, rifle grenade, mga magazines, mga bala, tactical sling bags at cellphones.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Buguey Municipal Police Station para sa dokumentasyon, pagsasampa ng kaso, at karagdagang imbestigasyon. Isinasagawa na rin ang forensic examinations sa mga nakuhang armas at kagamitan, habang patuloy ang intelligence gathering upang palakasin ang kaso.

--Ads--

Ang operasyon ay bahagi ng PNP Focused Agenda under Enhanced Managing Police Operations, na nagpapakita ng mas pinaigting na hakbang laban sa kriminalidad.