--Ads--
Umabot sa labintatlong (13) Palestinians, kabilang ang dalawang bata, isang buntis, at siyam na pulis, ang napatay sa Israeli air strikes sa Gaza.
Isang air strike ang tumama sa bahay sa Nuseirat refugee camp na pumatay sa isang mag-asawa, kanilang 10-taong gulang na anak, isang 15-taong gulang na kapitbahay at isang buntis na nagdadalang-tao ng kambal.
Isa pang strike ang tumama sa police vehicle sa Philadelphi Corridor na pumatay sa siyam na pulis, kabilang si Colonel Iyad Ab Yousef, ayon sa Interior Ministry ng Gaza. Aabot naman sa 14 ang nasugatan.
Wala pa namang agarang pahayag mula sa Israeli military kaugnay sa naturang pag-atake.
--Ads--











