Nilinaw ng City Licensing Office ng Santiago City na ang pangunahing gampanin ng lokal na pamahalaan sa mga gasoline station ay limitado lamang sa pagmomonitor at pagre-report ng mga posibleng paglabag sa guidelines ng Department of Energy (DOE).
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Artemio Villaluz Jr, Department Head ng City Licensing Office, sinabi nito na nakabatay ang monitoring sa inilabas ng DOE, na fuel retail station monitoring and inspection guidance.
Katuwang ang Philippine National Police (PNP), tinitingnan ng LGU kung sumusunod ang mga istasyon sa itinakdang price range, sa staggered implementation ng DOE, at sa iba pang regulasyon sa pagbebenta ng gasolina at diesel.
Binanggit ni Atty. Villaluz na ang LGU ay umiikot lamang sa mga istasyon upang obserbahan ang kanilang operasyon at i-report sa DOE ang anumang posibleng paglabag, dahil ang DOE lamang ang may kapangyarihang mag-evaluate at mag-isyu ng notice of violation.
Kabilang din sa monitoring ang pagtukoy kung may istasyon na hindi nagtitinda o lumalabag sa iba pang alituntunin.
Sa kasalukuyan, nasa 59 gasoline stations sa lungsod ang minomonitor, at patuloy pa rin kinokonsolida ng LGU ang mga datos bago isumite sa DOE.
Ayon kay Atty. Villaluz, sa kabila ng kasalukuyang krisis sa presyo ng produktong petrolyo, wala pang nakikitang labis na pagtaas sa presyo, lalo na sa mga kilalang oil companies na may sariling guidelines na nakaangkla sa DOE.
Pinapaalalahanan din ng LGU ang mga operator ng gasoline station na sumunod sa itinakdang guidelines upang maiwasan ang anumang paglabag.
Home Local News
Monitoring sa posibleng pag-labag ng mga gasolinahan binabantayan ng Santiago City Licensing Office
--Ads--











