--Ads--

Labing-isang katao ang nasawi sa raid ng Mexican Navy sa Culiacan, Sinaloa, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Omar Oswaldo Torres, lider ng sangay ng Los Mayos ng Sinaloa Cartel.

Nasamsam ang mga high-powered na armas at tactical equipment. Nasa lugar din ang anak ni Torres ngunit pinakawalan dahil wala itong koneksyon sa krimen.

Ang Los Mayos ay kasalukuyang nakikipagtunggali sa sangay na Los Chapitos. Kamakailan, nakipagtulungan ang Mexico sa Ecuador at Colombia sa pag-aresto kay Angel Esteban Aguilar ng Los Lobos.

Noong nakaraang buwan, namatay si Nemesio Oseguera o El Mencho, lider ng Jalisco New Generation Cartel, sa hiwalay na operasyon.

--Ads--

Matatandaang ang militarisadong operasyon sa mga cartel ay tinatawag na decapitation strategy, ngunit ayon sa mga eksperto, maaaring magdulot ito ng dagdag na karahasan at hindi nasosolusyonan ang ugat ng krimen tulad ng korapsyon at kahirapan.