--Ads--

Bumagsak ang isang eroplano ng Colombian Air Force na may 114 na kasapi ng militar sa timog na bahagi ng Colombia malapit sa border ng Peru, na nagdulot ng maraming nasugatan at 34 na nasawi.

Nangyari ang insidente bandang alas-9 ng umaga nitong Lunes habang sinusubukan ng Hercules C-130 military transport plane na lumipad mula sa isang airstrip malapit sa Puerto Leguízamo. Ilang sandali matapos ang takeoff, nawalan ng altitude ang eroplano at bumagsak sa isang liblib na lugar.

Kinumpirma ng mga lokal na opisyal na lahat ng 114 sakay ay miyembro ng militar. Aabot sa 67 ang nailigtas at dinala sa mga kalapit na ospital, kung saan ilan ay nasa seryosong kondisyon, habang 34 ang nasawi.

Nakuhanan ng video ng mga nakasaksi ang nakakatakot na sandali kung saan nahirapan ang eroplano na tumaas bago bumagsak. Makikitang nagliyab ang eroplano sa larawan mula sa lugar ng aksidente.

--Ads--

Ayon sa mga otoridad, agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga military team sa lugar, ngunit hindi pa tiyak ang kabuuang bilang ng mga biktima at ang sanhi ng aksidente.