Nagsimula na ang 16 na araw na in-house training ng mga atletang Cauayeño bilang paghahanda sa nalalapit na Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) 2026.
Layunin ng pagsasanay na higit pang mapahusay ang kanilang kakayahan, disiplina, at kahandaan ng mga estudyanteng atleta sa iba’t ibang larangan ng palakasan.
Ayon Dr. Cherry Ramos, Schools Division Superintendent ng SDO Isabela, mahalaga ang masinsinang paghahanda upang masiguro na magiging handa ang mga atleta na sumabak sa matinding kompetisyon.
Aniya, patuloy ang suporta ng pamunuan ng edukasyon sa mga programang magpapalakas sa sports development ng mga kabataan. Bilang bahagi ng suporta ay nabigyan ang mga atleta ng cash allowance para sa kanilang in-house training upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailagan habang nasa pagsasanay.
Bukod dito ay nagbigay rin ang LGU Cauayan ng iba’t ibang kagamitan gaya na lamang ng sapatos, tumbler at iba pang gamit na makatutulong sa kanilang paghahanda.
Tinatayang aabot sa humigit-kumulang 400 atleta ang lalahok sa CAVRAA 2026 na kumakatawan sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod.










