Ipinahayag ni Pope Leo XIV ang kanyang pag-aalala sa lumalalang tensyon at karahasan sa digmaan sa Iran.
Nagdadalamhati ang Santo Papa dahil patuloy na tumataas ang galit at lumalala ang karahasan.
Muling nanawagan si Pope Leo ng tigil-putukan kasunod ng ulat na nagpaplano ang United States na magpadala ng libo-libong sundalo sa Middle East bilang bahagi ng military buildup.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paghahanap ng kapayapaan sa pamamagitan ng diyalogo at hindi gamit ang armas, at hinikayat ang lahat ng awtoridad na talagang makipagtulungan upang maresolba ang mga suliranin.
Ayon sa Santo Papa, may higit isang milyon na taong nawalan ng tirahan at marami ang nasawi dahil sa digmaan, kaya mahalagang humanap ng solusyon sa mapayapang paraan.











