--Ads--

Nagbabala si US President Donald Trump na kaniyang tuluyang wawasakin ang power plants at oil wells ng Iran.

Ang nasabing pagbabanta ay sakaling hindi tumugon ang Iran sa isinusulong nilang peace deal.

Dagdag pa nito na seryoso ang US sa pagsulong ng peace deal sa Iran.

Muling nagbabala ang US President na kanilang susunod na target ang fuel hub ng Khang Islands.

--Ads--

Magugunitang inihayag ng foreign ministry ng Iran na ang proposal ng US para matapos ang giyera ay labis at hindi resonable.