Nanguna si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa may pinakamaraming pagliban sa first regular session ng Senado sa 20th Congress, batay sa opisyal na attendance record ng senado.
Sa tala ng Senado, umabot sa 31 sa kabuuang 58 session days ang kanyang pagliban mula Hulyo 28, 2025 hanggang Marso 18 ng kasalukuyang taon.
Nagsimula ang kanyang hindi pagdalo noong Nobyembre 2025, kasunod ng pahayag ni Ombusdman Jesus Crispin Remulla na may inilabas nang arrest order ang International Criminal Court laban sa kanya kaugnay ng kanyang papel sa war on drugs ng administrasyon ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pumangalawa naman sa may pinakamaraming absent si Sen. Alan Peter Cayetano na may 14 na pagliban at 24 na beses na pagka-late sa mga sesyon.
Samantala, nakapagtala ng 16 na pagliban si Sen. Camille Villar matapos siyang mag-maternity leave.
Nagkaroon naman ng perfect attendance sina Sen. Vicente Sotto III, Juan Miguel Zubiri, Sherwin Gatchalian, Jinggoy Estrada, Robinhood Padilla, Imee Marcos, Joel Villanueva, Bam Aquino, Christopher Go, Rodante Marcoleta at Risa Hontiveros.
May tig-iisang pagliban naman sina Sen. Francis Pangilinan, Erwin Tulfo at Francis Escudero.
Dalawang beses namang lumiban sina Sen. Panfilo Lacson, Loren Legarda at Lito Lapid.
Sa iba pang tala, 55 beses dumalo si Sen. Pia Cayetano, 53 si Sen. Mark Villar, habang tig-52 araw naman ang attendance nina Sen. JV Ejercito at Raffy Tulfo.









