--Ads--
Nagsagawa ng sunod-sunod na operasyong militar ang pwersa ng Israel sa West Bank sa nakalipas na 24 oras, kabilang ang mga raid, pag-aresto, at pag-secure sa pagpasok ng mga Israeli settlers sa ilang lugar.
Kabilang sa mga pinasok ang Nablus, Qalqilya, at Ramallah, kung saan nagkaroon ng sagupaan at napaulat na nagpaputok ng live ammunition ang mga sundalo.
Umabot sa 25 Palestinians ang naaresto, kabilang ang isang babae, habang may ilan ding nasugatan sa hiwalay na insidente, kabilang ang mga inatake umano ng mga settlers sa Wadi Abbas at malapit sa Hebron.








