Inaasahang lalago pa ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom ngayong taon kasunod ng mga pagbabago sa Developing Countries Trading Scheme (DCTS).
Ayon kay UK Ambassador Sarah Hulton, layunin ng mas pinahusay na DCTS na mapadali ang kalakalan sa pamamagitan ng pagbawas ng taripa at pagpapagaan ng mga patakaran, kabilang ang mas maluwag na sourcing ng inputs at duty-free export para sa ilang produktong Pilipino.
Umabot sa £3.2 bilyon ang trade ng dalawang bansa noong 2025, mas mataas ng 8.9% kumpara sa nakaraang taon, habang nasa 92 porsyento na ang paggamit ng Pilipinas sa DCTS.
Malaki rin ang ambag ng mga produktong Pilipino tulad ng ube sa pag-angat ng ugnayang pangkalakalan, at suportado rin ng UK ang aplikasyon ng Pilipinas sa CPTPP trade agreement.










