--Ads--
Humina ang Philippine peso at itinuturing na pinakamahinang currency sa rehiyon matapos ang paglala ng tensyon sa Middle East, ayon sa MUFG Bank Ltd..
Bumaba ng halos 4% ang piso laban sa dolyar at umabot sa ₱60 laban sa dolyar, dulot ng mataas na pagdepende ng bansa sa inaangkat na langis.
Nagbabala naman ang Capital Economics na lalawak ang current account deficit dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, na magdadagdag pa ng presyon sa piso.
Sa kabila nito, nananatiling mas matatag ang ibang Asian currencies kumpara sa piso.
--Ads--











