--Ads--

Ipinahayag ni US President Donald Trump na nasa “state of collapse” na umano ang Iran at hiniling din nitong alisin ng US ang blockade sa mga Iranian ports sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Trump na nais ng Iran na muling buksan ang mahalagang ruta ng kalakalan sa Strait of Hormuz habang patuloy ang usapan sa sitwasyon ng bansa at panloob nitong pamumuno.

Samantala, nagpulong ang mga lider ng Gulf states sa Saudi Arabia kung saan nanawagan sila sa Iran na magpakita ng seryosong hakbang upang muling buuin ang tiwala matapos ang mga tinawag nilang “treacherous” na pag-atake sa rehiyon.

Giit ng Gulf leaders, dapat umanong manguna ang Iran sa pagpapanumbalik ng kapayapaan at katatagan sa gitna ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

--Ads--