Nasakote ng pulisya ang tatlong indibidwal, kabilang ang dalawang menor de edad, matapos ang insidente ng carnapping sa Santiago City nitong Mayo 3.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Jonathaniel Esteban, kinilala ang mga suspek bilang isang 23-anyos na construction worker at dalawang menor de edad, pawang residente ng lungsod.
Kinilala ang biktima na si alyas “Dina,” 24 anyos.
Batay sa imbestigasyon, ipinarada ang motorsiklo ng biktima sa Vizcalang Street bandang 8:30 ng umaga at natuklasang nawawala makalipas ang isang oras.
Natunton ang motorsiklo sa Barangay Patul kung saan naaresto ang mga suspek na aktuwal na may hawak nito. Narekober din ang isang Rusi motorcycle.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act, habang ang mga menor de edad ay isasailalim sa kaukulang proseso.
Paalala ni PCapt. Jonathaniel Esteban sa publiko, tiyaking naka-secure at naka-lock ang mga sasakyan upang maiwasan ang pagnanakaw.
Home Police Report
Dalawang menor de edad na sangkot sa pagnanakaw ng sasakyan, nasakote sa Santiago City
--Ads--











