--Ads--

Dalawang walang laman na Iranian-flagged oil tanker ang pinasabugan ng militar ng Estados Unidos nitong Biyernes matapos umanong lumabag sa umiiral na blockade ng U.S. laban sa Iran, ayon sa U.S. Central Command o CENTCOM.

Sa inilabas na pahayag ng CENTCOM sa X, sinabi nitong ang dalawang barko ay kabilang sa mga sasakyang pandagat na nagtatangkang makapasok sa Iran sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng blockade.

Dagdag pa ng CENTCOM, isang pangatlong Iranian-flagged vessel ang na-disable na rin noong Miyerkules.

Ayon sa U.S. military, hindi na makakapaglayag patungong Iran ang lahat ng tatlong barko. Patuloy namang umiigting ang tensyon sa rehiyon kasunod ng agresibong pagpapatupad ng Amerika sa maritime restrictions laban sa Tehran.

--Ads--