--Ads--

Wala masyadong epekto sa kasong kinahaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ang pagbibitiw sa pwesto ng lead defense counsel nito na si Atty. Nicholas Kaufman.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo “Egon” Cayosa, constitutional expert, sinabi nito na maaari naman umanong maipagpapatuloy ang nasimulan ni Kaufman depende sa magiging estratehiya ng depensa.

Sa ngayon ay wala pang nababanggit na dahilan kaugnay ng pagbibitiw ni Kaufman subalit kinakailangan pa umano itong aprubahan ng korte upang maging pinal.

Gayunpaman, hindi naman umano ito magdudulot ng pagkaantala sa nakatakdang trial ni Duterte dahil bago pa man umano aprubahan ng korte ang pagbibitiw ni Kaufman ay alam na agad kung sino ang papalit.

--Ads--

Ayon kay Atty. Cayosa, mahalaga ang papel ng lead counsel dahil hindi lahat ng abogado ay kabisado ang rules ng ICC subalit malaking halaga umano ng pera ang kinakailangan para rito.

Samantala, malaki ang posibilidad na iibahin ang istilo ng depensa matapos ang pagpapalit ng lead defense counsel lalo na at maraming naipatalo na procedural issues sa korte kamakailan.