Iginiit ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na hindi dapat gamitin ang protective custody ng Senado kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa bilang paraan upang makaiwas sa pananagutan.
Ayon kay De Lima, kailangang linawin ng Senado kung paano nakalabas si Dela Rosa sa gusali kahit nasa ilalim umano ito ng kanilang protective custody.
Binigyang-diin niya na ang protective custody ay hindi dapat magsilbing proteksyon upang pagtakpan o patakasin ang isang taong may kinahaharap na pag-aresto.
Samantala, kinumpirma ni Senate President Alan Peter Cayetano na wala na si Dela Rosa sa loob ng Senado.
Si Dela Rosa ang nagsilbing hepe ng Philippine National Police noong ipinatupad ang war on drugs ng administrasyong Duterte at kabilang sa mga kinasuhan sa International Criminal Court ng crimes against humanity, kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakakulong sa The Hague.
Nagpalabas na rin ng arrest warrant ang ICC laban kay Dela Rosa, habang nabigo ang kanyang hiling sa Korte Suprema para sa temporary restraining order.










