--Ads--

Inanunsyo ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO 1 ang bahagyang pagtaas ng generation charge para sa May billing period ng ₱0.2496/kWh dahil sa pagtaas ng presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) bunsod ng mas mahigpit na suplay ng kuryente, na nagresulta sa mas mataas na generation cost.

Residential rate: ₱10.2729/kWh
Low Voltage: ₱9.3976/kWh
High Voltage: ₱7.5882/kWh

Gayunman, ayon sa ISELCO 1 nabawasan ang kabuuang epekto sa singil dahil sa pagbaba ng transmission rate, system loss rate, at senior citizen subsidy charge, kaya minimal lamang ang naging pagtaas sa overall power rates kumpara noong Abril.

Ayon sa ulat, patuloy na inaayos ng Energy Regulatory Commission ang transmission charges ng National Grid Corporation of the Philippines sa ilalim ng 5th regulatory period, kung saan tinitiyak na tanging makatwiran at validated na gastos lamang ang ipinapasa sa mga konsyumer.

--Ads--

Kabilang sa mga hindi pinayagang singilin sa consumers ang ilang real property taxes, bilang bahagi ng regulasyong layong protektahan ang publiko habang pinananatili ang maaasahang power transmission system.