--Ads--

Isang babaeng wanted person ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Barangay Gappal, Cauayan City.

Batay sa ulat ng Cauayan City Police Station, dakong alas-7:00 ng gabi nang ipatupad ng mga operatiba ang warrant of arrest laban sa suspek na 31-anyos, single, online seller at residente ng Purok 1, Barangay Gappal, Cauayan City.

Nahaharap ang suspek sa kasong Serious Physical Injuries sa ilalim ng Criminal Case No. 32206. Ayon sa kautusan ng hukuman, maaari siyang makapagpiyansa ng P30,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso.Kalaunan ay inilipat siya sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) habang hinihintay ang susunod na pagdinig ng kanyang kaso.

--Ads--