--Ads--

Pumanaw ang beteranong aktor na si James Handy sa edad na 81, matapos siyang pagsasaksakin sa kanyang tahanan sa Los Angeles, ayon sa mga awtoridad.

Natagpuan ng mga pulis si Handy na walang malay at may tama ng saksak sa dibdib sa harap ng kanyang bahay sa Tarzana, Los Angeles. Isinugod siya sa ospital ngunit idineklarang patay.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Michael Gledhill, anak ng kasintahan ng aktor. Kusang lumapit umano ito sa mga awtoridad at agad na inaresto.

Noong Hunyo 5, sinampahan si Gledhill ng kasong pagpatay at paggamit ng nakamamatay na sandata. Kapag napatunayang nagkasala, maaari siyang makulong nang hanggang 26 na taon.

--Ads--

Si Handy ay nakilala sa kanyang mga pagganap sa mga pelikulang Top Gun: Maverick, Logan, at Jumanji. Patuloy namang iniimbestigahan ng Los Angeles Police Department ang insidente.