Nananatiling matatag ang karera sa showbiz ng aktres na si Sue Ramirez habang pinanghahawakan pa rin ang kanyang leading-lady status. Nakatakda nang ipalabas ngayong darating na Miyerkules, Hunyo 10, 2026, ang kanyang pinakabagong pelikulang Project Baby kasama si Rico Blanco.
Ibinahagi ng aktres na karelasyon ngayon ni Dominic Roque ang kanyang gulat at pasasalamat na nananatili pa rin siya sa industriya pagkatapos ng 16 na taon.
Inalala rin ni Sue ang kanyang simula kung saan kayod-marino siya mula Lunes hanggang Linggo. Bukod dito, nagpasalamat din siya sa naging karanasan niya sa mga sikat na serye. Bagamat nakaranas ng pambabatikos o bashing mula sa mga fans ng sikat na love teams, itinuring niya itong malaking aral at biyaya.
Sinabi ni Sue na sobrang grateful siya sa tiwala. Wala umano siyang hinangad kundi ang magpasalamat palagi habang patuloy na binibigay ng Panginoon ang mga biyaya sa kanya.











