--Ads--

Naglabas na ng pahayag si Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin kaugnay ng pagkamatay ng dalawang Ateneo student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Sa isang video na inilabas ng Ateneo de Manila University, humingi ng paumanhin si Baldwin sa mga pamilya ng dalawang atleta at inaming mabigat ang kanyang dinadala matapos ang trahedya.

Ayon kay Baldwin, inakala nilang ligtas at normal lamang ang isinagawang training run ng koponan sa mababaw na bahagi ng dagat. Ngunit kalaunan, napag-alaman nilang nasa panganib na ang ilan sa mga manlalaro.

Ginawa rin daw nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mailigtas at maibalik nang ligtas sa pampang ang buong grupo. Gayunpaman, nauwi sa trahedya ang insidente matapos masawi sina Baterbonia at Adili.

--Ads--

Tab Baldwin, humingi ng tawad sa pamilya ng mga atletang nasawi
Dahil dito, sinabi ni Baldwin na pakiramdam niya ay nabigo siya bilang lider at bilang coach ng koponan.


“So deeply sorry. And I’m so deeply sorry not just the families, but everybody that feels let down, somehow betrayed,” ani Baldwin.

Dagdag pa niya, hindi matatawaran ang sakit na nararamdaman ngayon ng mga pamilya ng dalawang atleta.

Inamin din ni Baldwin na bilang coach, isa sa pinakamahalagang responsibilidad niya ang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng kanyang mga manlalaro.

Patuloy rin siyang nananalangin para sa kapayapaan at paghilom ng mga naulilang pamilya.