Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na malaki ang pakinabang ng mga Pilipino sa biyahe sa Russia ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni DFA Assistant Secretary Dominic Imperial na kabilang na rito ang sa political security level.
Tinukoy ni Imperial ang pakinabang ng bansa sa mga pagsasanay at kooperasyon ng ating mga otoridad para sa paglaban sa terorismo at trans national crimes.
Dagdag pa ni Imperial,malaking bagay na napahuhusay ang kakayahan at kakayanan ng ating mga otoridad para sa law enforcement operations, pagbabahagi ng mga impormasyon, gayundin ang pagdaragdag sa kaalamang legal ng mga ito para hindi sila napaiikutan ng batas, at matugunan ang mga hamon sa bansa, kasama na ang pagsugpo sa iligal na droga.
Sa ilalim naman ng socio cultural pillar, makikinabang ang bansa sa mga usapin ng suporta o tulong para tugunan ang epekto at problemang dulot ng climate change, gayundin suporta sa kalusugan, at disaster management.
Unang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DAF) na may nakatakdang bilateral meeting si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Russian President Vladimir Putin.
Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Assistant Secretary Dominic Imperial na bahagi ito ng paggunita sa ika 50th anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Russia.Balitang Pilipinas
Ayon kay Imperial sa gagawing bilateral meeting inaasahang matatalakay ng dalawang lider ang mga paraan para higit pang mapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng enerhiya at food security.
Tututok din ang pulong nina PBBM at President Putin sa ilang mahahalagang regional at international issues tulad ng epekto sa seguridad sa enerhiya at pagkain ng nagpapatuloy na krisis sa gitnang silangan.
Ayaw namang pangunahan ni Imperial kung makapagsasara ba ng kasunduan ang dalawang bansa hinggil sa usapin ng suplay ng langis, nuclear energy o renewable energy, kundi hintayin na lamang aniya kung ano ang magiging kalalabasan ng kanilang pag uusap.
Magiging bahagi rin aniya ng bilateral meeting ang kooperasyon sa pagitan ng pilpinas at russia sa larangan ng turismo, edukasyon, kultura, science and technology at people to people exchanges.











