--Ads--

Nananatiling sarado sa kasalukuyan ang isang restobar sa lungsod ng Cauayan sa kabila ng kahilingan nitong muling makapagbukas matapos ang pambubugbog sa bisinidad nito na ikinasawi ng isa nitong kostumer.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pillarito Mallillin, sinabi nito na nagsumite na ng aplikasyon upang muling makapagbukas ang pamunuan ng naturang establisyemento ngunit hindi pa ito maaaring payagan dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kaugnay ng naganap na insidente.

Ayon kay Mallillin, bukod sa isinasagawang imbestigasyon ay may iba pang paglabag na natuklasan ng mga awtoridad sa operasyon ng establisyemento kaya nananatili itong nasa ilalim ng temporary closure.

Dahil dito, patuloy na minomonitor ng pulisya ang lugar upang matiyak na hindi ito magpapatuloy ng operasyon habang hindi pa naaayos ang mga isyung kinakaharap nito.

--Ads--

Patuloy naman ang imbestigasyon at beripikasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente at sa mga natuklasang paglabag ng nasabing restobar.