Tinuldukan na ni Senate President Sherwin Gatchalian ang tinaguriang “Senateflix,” ang katawagang ibinigay ng publiko sa mga nagdaang bangayan sa liderato ng Senado.
Sa isang press briefing, sinabi ni Gatchalian na tapos na ang naturang isyu at panahon na ng “back to work” para sa mga senador.
Aniya, makikita na ang pagbabalik-trabaho ng Senado matapos ang pagpasa ng ilang panukalang batas at kumpirmasyon ng promosyon ng limang heneral at 85 opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Dagdag pa niya, sa mga susunod na linggo ay tututukan na ang mga LEDAC priority bills at ang paghahanda para sa impeachment trial na nakatakda sa Hulyo 6. Isusulong din ang iba pang pangunahing panukala habang inaasahang magsasagawa na ng mga pagdinig ang mga komite matapos maitalaga ang mga liderato nito.
Ayon pa kay Gatchalian, nakausap na niya ang ilang miyembro ng minority na nagpahayag din ng kahandaang makiisa sa mas aktibong pagtatrabaho ng Senado.











