--Ads--

Nakamit ng Egypt ang makasaysayang pagpasok sa Round of 16 ng 2026 FIFA World Cup matapos nitong talunin ang Australia sa penalty shootout, 4-2, kasunod ng 1-1 tabla sa pagtatapos ng regular at extra time noong Hulyo 3.

Maagang nakalamang ang Egypt nang makaiskor si Emam Ashour sa ika-13 minuto ng unang bahagi ng laro. Gayunman, nakabawi ang Australia sa ikalawang yugto matapos ang isang own goal na nagtabla sa iskor sa ika-55 minuto.

Hindi na nakadagdag ng puntos ang magkabilang koponan sa natitirang bahagi ng laro at sa extra time kaya nauwi ang laban sa penalty shootout. Sa naturang yugto, nagmintis ang Australia sa dalawang sipa habang matagumpay na naipasok ng Egypt ang apat sa kanilang mga pagtatangka upang maselyuhan ang tagumpay.