Naaresto ng mga operatiba ng Cauayan Component City Police Station at iba pang operating units ang No. 1 City Level Most Wanted Person sa isang operasyon sa Purok 5, Barangay Maligaya, Cauayan City, Isabela, alas-8:50 ng gabi noong Hulyo 7.
Ang suspek ay itinago sa alyas na “Mar,” 76-anyos at residente ng Cauayan City.
Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng tatlong counts ng paglabag sa Section 5 ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. May inirekomenda namang piyansa na P180,000 para sa bawat kaso.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cauayan CCPS ang suspek habang isinasagawa ang mga kaukulang legal na proseso bago iharap sa hukuman na nagpalabas ng warrant.
Pinuri ni Isabela Police Provincial Office Director PCOL Manuel B. Bringas ang mga operatibang nagsagawa ng pag-aresto at binigyang-diin ang patuloy na kampanya ng pulisya laban sa mga wanted person.
Hinimok naman ng Isabela PPO ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon na makatutulong sa pag-aresto sa iba pang mga taong pinaghahanap ng batas.











