--Ads--

Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P1.91 bilyong halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga sa isinagawang public destruction sa Quezon City noong Hulyo 8.

Gamit ang thermal decomposition, winasak ng ahensya ang mahigit 300,000 gramo ng mga iligal na droga at higit 1,000 milliliters ng mga liquid illicit substances.

Ang mga naturang droga ay nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon ng iba’t ibang law enforcement agencies at naiprisinta na bilang ebidensya sa korte.

Dumalo bilang saksi sa aktibidad si Dangerous Drugs Board Chairperson Secretary Oscar Valenzuela, kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, mga law enforcement agency, non-government organizations, at mga opisyal ng barangay.

--Ads--