Arestado ang isang 52-anyos na loader operator matapos maaktuhang nagbebenta umano ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela, bandang alas-5:06 ng umaga ngayong araw, Hulyo 9.
Ang suspek ay residente ng Purok 3, Barangay Calaocan, Cabatuan, Isabela.
Ayon sa ulat, nakumpiska mula sa suspek ang isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na substansyang hinihinalang shabu, isang tunay na ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang cellular phone, at isang itim na Rusi 125 motorcycle na may nakakabit na kolong-kolong.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at masusing imbestigasyon.
Isasailalim din sa laboratory examination ang hinihinalang iligal na droga.
Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.











