--Ads--

Malabong maging bahagi ng China ang Batanes dahil sa malinaw na kasaysayan nito bilang teritoryo ng Pilipinas, ayon sa isang local historian.

Ito ay kaugnay ng pahayag ng ilang Chinese scholars na ang Batanes ay umano’y geographic extension ng Taiwan, na inaangkin naman ng China bilang bahagi ng kanilang teritoryo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Troy Alexander Miano, local historian at Director ng Department of Tourism Region 2, sinabi nito na walang sapat na historical basis ang naturang pag-aangkin.

Ayon kay Dr. Miano, bagama’t ilang dayuhang bansa ang nagtangkang sakupin ang Batanes noong sinaunang panahon, ang Espanya lamang ang nagtagumpay na maisama ito sa kanilang colonial government noong huling bahagi ng ika-18 siglo.

--Ads--

Ipinaliwanag niya na bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon nang sariling kultura, wika, at pamayanan ang mga Ivatan na naninirahan sa Batanes. Ang mga ninuno ng mga reiNoong 1783, isinagawa ng mga Dominican Missionaries at ng Spanish Government ang pormal na pagsasama ng Batanes sa kolonya ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng Espanya.

Dahil dito, naging bahagi ang Batanes ng administrative territory ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng Spain at nanatili itong sakop ng bansa nang maipasa ang soberanya sa Estados Unidos sa pamamagitan ng Treaty of Paris noong 1898.

Dagdag pa ni Dr. Miano, hindi kailanman naging bahagi ng Taiwan ang Batanes sa ilalim ng anumang international treaties o pamahalaan, kaya’t mahirap patunayan ang anumang pag-aangkin dito batay lamang sa lokasyon o geography.

Binigyang-diin din niya na bukod sa kasaysayan, malinaw ding kinikilala ng international community ang Batanes bilang bahagi ng sovereign territory ng Republika ng Pilipinas.