--Ads--

Pumalo na sa 26 na mga indibidwal ang napaulat na nasawi dulot ng habagat at Bagyong Inday.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 10 sa mga nasawi ay mula sa Sarangani, 4 sa Davao Occidental, 7 sa Lanao del Sur, tag-dalawa sa Zamboanga Sibugay at Bukidnon at isa sa Iloilo.

Samantala, 9 na indibidwal naman ang napaulat na injured at 14 ang napaulat na nawawala.

Nasa 244,000 naman ang naitalang naapektuhang pamilya o katumbas ng 1 milyong indibidwal dulot ng nasabing habagat at bagyo.

--Ads--

Kaugnay nito, nasa 5 libong pamilya o katumbas ng 22 libong indibidwal ang nananatili sa 86 na mga evacuation centers sa bansa.