--Ads--

Muling bumagsak ang local stock market matapos maging maingat ang mga investors dahil sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Nagsara ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) sa 6,256.02 matapos mawalan ng 9.7 points o 0.15%, habang bahagyang bumaba rin ang All Shares Index sa 3,379.94.

Ayon sa mga market analyst, nakaapekto sa sentimyento ng mga investor ang pangamba sa pagtaas ng presyo ng langis at mga panganib na dulot ng sigalot sa Middle East, partikular sa Strait of Hormuz.

Sa kabila nito, nagtala ang mga foreign investors ng net inflow na P230.26 milyon, habang nanatiling pinakamalakas na sektor ang mining at oil.

--Ads--