--Ads--

Hindi kuntento ang grupo ng mga magsasaka sa mga programa ng administrasyon para sa sektor ng agrikultura, kasabay ng pag-asang matutugunan ng Pangulo ang kanilang mga hinaing sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Leonardo Montemayor ang Chairman of the Board ng grupong Federation of Free Farmers , bagama’t patuloy na naglalaan ang pamahalaan ng pondo para sa irigasyon, makinarya at dekalidad na binhi, hindi naman umano napapakinabangan ng mga magsasaka ang mga ito dahil sa patuloy na pagpasok ng imported na bigas tuwing panahon ng anihan.

Dahil dito, bumabagsak ang farmgate price ng palay at nalulugi ang mga magsasaka. Binigyang-diin ng grupo na noong 2025 ay umabot pa umano sa walong piso kada kilo ang presyo ng palay sa ilang lugar, kabilang ang Isabela at Cagayan, na malayong mas mababa sa gastos sa produksyon.

Tinatayang umaabot sa ₱50 bilyon ang kabuuang nawawalang kita ng mga rice farmer kada taon mula nang ipatupad ang liberalisasyon sa pag-aangkat ng bigas noong 2019. Katumbas ito ng humigit-kumulang ₱17,000 na pagkawala sa kita ng bawat isa sa tinatayang tatlong milyong magsasaka ng palay sa bansa taun-taon.

--Ads--

Bukod dito, sinabi rin ng grupo na nabawasan ang pondong nakalaan para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) matapos ibaba ng pamahalaan ang taripa sa imported na bigas sa pamamagitan ng Executive Order No. 62 noong 2024.

Ayon sa kanila, dahil sa pagbaba ng taripa mula 35 porsiyento patungong 15 porsiyento, lumiit din ang koleksiyon ng Bureau of Customs ng tinatayang ₱44 bilyon—pondo sanang magagamit sa pagbili ng makinarya, pamamahagi ng binhi, pagsasanay ng mga magsasaka at pautang sa sektor ng agrikultura.

Kung matatandaan aniya, nitong nakaraang SONa naging sentro ng talakayan ang Illigal Smuggling ng mga Agricultural products , aniya noong nagbanpa ang pangulo na hahabulin ang mga nasa likod ng iligal na aktibidad subalit hanggang ngayon ay walang mnalinaw na tugon at walang napapanagot ang Gobyerno.

Maliban sa smuggling ay ipinangako rin ng Pangulo na pananagutin ang mga negosyante, reseller at retailer na sangkot sa “profiteering“, maliban pa sa pangakong palakasin ang industriya ng niyog at pagsasabatas ng National Land Use Act.

Taong 2025 din ng maibunyag ang anomalya sa flood control budget at hanggang ngayon wala pang malalaking personalidad na napapanagot at nakukulong.