--Ads--

Nanatiling pangunahing alalahanin ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng abot-kayang pagkain, batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Hunyo 28 hanggang Hulyo 3 at 6, na kinomisyon ng Stratbase Group bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa resulta, 30% ng mga Pinoy ang nagsabing dapat unahin ng pamahalaan ang pagpapababa ng presyo ng mga pangunahing pagkain gaya ng bigas, karne, at isda.

Kasunod nito, 28% ng mga respondent ang nanawagan na tutukan ang pagbawas o pagpuksa sa korapsyon at ang paglikha ng mas maraming trabaho at kabuhayan.

Lumabas din na ang mga Pilipinong mababa ang kita ay mas nakatuon sa presyo ng pagkain, samantalang ang mga may mataas na sahod ay mas nakapokus sa laban kontra korapsyon at sa oportunidad sa trabaho.

--Ads--

Samantala, 14% ng mga Pinoy ang nagsabing dapat ding pagtuunan ng pansin ang accessible na edukasyon at healthcare services.

Ang resulta ng survey ay inilabas isang araw bago ang ikalimang SONA ni Pangulong Marcos na nakatakdang ganapin ngayong Lunes, Hulyo 27.