Kinuwestiyon ng House prosecution team ang social media post ni Sen. Pia Cayetano na naglalaman ng spliced video tungkol sa pahayag ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno kaugnay ng pagbubukas ng bank records ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House prosecutor Leila de Lima, naging misleading umano ang video at hindi ito naaayon sa panunumpa ni Cayetano bilang senator-judge sa impeachment trial.
Hiniling naman ng prosekusyon na iwasan ang paglalabas ng putol-putol na mga video upang hindi malito ang publiko at laging mailahad ang buong konteksto ng mga talakayan.
Samantala, nilinaw ni Diokno na hinihingi ng prosekusyon ang bank records ni Duterte upang ihambing ito sa mga ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), at sinabi niyang maaari lamang mailabas ang mga rekord sa pamamagitan ng utos o subpoena ng korte.











