--Ads--

Aminado ang aktor na si Jake Cuenca na mas inspirado siyang magtrabaho dahil kasabay ng sunod-sunod niyang proyekto ay masaya rin ang kanyang buhay pag-ibig.

Bakas ang saya ng 38-anyos na aktor nang mapag-usapan ang nobyang si Rabiya Mateo.

Ayon kay Jake, mas nagiging mahusay siya sa pag-arte kapag nasa magandang estado ang kanyang emosyon dahil mas madali niyang naipapakita ang iba’t ibang damdamin sa kanyang mga karakter.

Sinabi rin niya na excited siyang maibahagi sa kanyang mga proyekto ang mga personal na pinagdaanan niya, kabilang ang karanasan sa paghihiwalay at pag-move on.

--Ads--

Samantala, ibinahagi ni Rabiya ang ilang sweet moments nila ni Jake sa social media, mula sa mga date, panonood ng concert, at simpleng pagsasama.

Ayon kay Jake, mahalaga sa kanya ang pagpili sa isa’t isa araw-araw at pagbibigay ng buong suporta sa relasyon.

Suportado rin ng aktor ang pagbabalik-eskwela ni Rabiya matapos itong mag-enroll sa Doctor of Medicine program ng University of Santo Tomas.