--Ads--

Matagumpay nang natapos ng mga awtoridad ang search, rescue, at retrieval operation para sa dalawang 13-anyos na nalunod sa Barangay Maddarulug Norte, Enrile, Cagayan.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Enrile, unang narekober ng mga rescue team ang bangkay ng unang biktima na residente ng Barangay Maddarulug Sur noong Agosto 10.

Samantala, alas-11 ng umaga naman noong kahapon nang matagpuan at marekober ang bangkay ng ikalawang biktima na residente ng Barangay San Roque, Enrile.

Nagpahayag ng pakikiramay ang mga awtoridad sa mga naiwang pamilya ng mga biktima at muling nanawagan sa publiko na maging maingat sa pagligo at iba pang aktibidad sa mga ilog at anyong tubig upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

--Ads--

Ayon sa BFP Enrile, nananatili silang nakahandang magbigay ng maagap at koordinadong emergency response at rescue services upang maprotektahan ang buhay at kaligtasan ng mamamayan.