--Ads--

Nasawi ang isang katao habang tatlo pa ang nasugatan matapos gumuho ang lupa at tumama sa isang residential apartment building sa Geoje, South Gyeongsang Province sa South Korea kaninang umaga kasabay ng patuloy na malalakas na pag-ulan sa timog na bahagi ng bansa.

Natabunan ng landslide ang unang palapag ng gusali. Agad namang nailigtas ng mga rescue worker ang tatlong residente, ngunit isa sa kanila ang kalaunan ay binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital.

Naglabas na rin ng heavy rain warnings ang weather agency ng South Korea para sa ilang lugar sa southern region matapos makaranas ng hanggang 800 milimetro ng ulan mula pa noong Sabado, kalakip ang pagkulog at pagkidlat.

Sa lungsod ng Geoje malapit sa Busan, umapaw ang ilang ilog at nalubog sa baha ang mga kalsada na nagdulot ng pagkaantala sa trapiko at pagkak stranded ng ilang residente.

--Ads--

Dahil sa banta ng panibagong pagguho ng lupa, inilikas na ng mga awtoridad ang nasa 100 residente habang nagpapatuloy ang rescue operations para sa mahigit 20 kataong na-stranded sa apektadong lugar.