--Ads--

Nanawagan ang dating Ukrainian Defense Minister na si Mykhailo Fedorov para sa pagsasagawa ng halalan sa Ukraine kahit nagpapatuloy ang digmaan laban sa Russia.

Sa isang video, sinabi ni Fedorov na hindi dapat maging hadlang ang digmaan sa demokratikong proseso. Gayunman, suspendido ang halalan sa Ukraine dahil sa martial law na ipinatutupad mula noong 2022.

Iginiit din ni Fedorov na nakaaapekto ang korapsyon sa kakayahan ng militar na makakuha ng armas at kagamitan at nahaharap umano ang bansa sa krisis sa pamamahala.

Samantala, may mga nagprotesta sa labas ng Ukrainian parliament upang hilingin ang pagbabalik ni Fedorov bilang defense minister. Ngunit may ilang kritiko na nagsabing hindi makatwiran ang halalan habang patuloy ang mga pag-atake ng Russia.

--Ads--