--Ads--
Bumagsak ang local stock market nitong Miyerkules, kasabay ng pag-abot ng piso sa record low na 62 pesos kada dolyar at pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Bumaba ng 106.36 points o 1.7% ang Philippine Stock Exchange index o PSEi sa 6,158.34.
Ayon sa mga analyst, nagdulot ng pangamba sa mga investor ang paghina ng piso at pagtaas ng presyo ng langis dahil maaari nitong palalain ang inflation at panatilihing mataas ang borrowing costs.
Dagdag na pressure din sa merkado ang tensyon sa Middle East na nagbunsod sa pagtaas ng presyo ng krudo sa pinakamataas na antas nito sa loob ng tatlong linggo.
--Ads--











