Tinalo ng Strong Group Athletics ang Jordan, 96-91, nitong Biyernes para tapusin ang kanilang kampanya sa ikalimang puwesto sa 2026 Jones Cup.
Naging dikit ang laban sa unang dalawang quarters, ngunit nakalamang ang Strong Group, 50-48, pagdating ng halftime.
Nanguna naman ang Jordan sa pagtatapos ng third quarter matapos nitong maungusan ang Strong Group, 26-21.
Gayunman, nagpakitang-gilas ang Pilipinas sa huling quarter matapos itong umiskor ng 25 puntos laban sa 17 ng Jordan para tuluyang makuha ang panalo.
Nanguna sa Strong Group si Boban Marjanovic na nagtala ng 21 puntos, walong rebounds at tatlong assists.
Nagdagdag naman si Tajuan Agee ng 17 puntos, apat na rebounds at tatlong steals, habang may 15 puntos, tatlong assists at dalawang steals si Matthew Wright.
Samantala, nag-ambag si DJ Fenner ng 11 puntos.
Tinapos ng Strong Group ang torneo na may 6-1 record.








