Nanatiling buhay ang tsansa ng Gilas Pilipinas na makapasok sa FIBA World Cup matapos nitong pataubin ang Jordan, 82-81, sa overtime sa fourth window ng Asian Qualifiers nitong Biyernes sa Mall of Asia Arena.
Dahil sa panalo, umangat sa 3-4 ang kartada ng Gilas sa Group E.
Nagbalik-aksyon para sa national team si Kai Sotto na nagtala ng 18 puntos, 14 rebounds at dalawang blocks.
Mahalaga ang kanyang huling defensive play matapos niyang harangin ang tira ng Jordan sa mga huling segundo ng overtime para maselyuhan ang panalo ng Pilipinas.
Nagtala naman si CJ Perez ng 16 puntos matapos hindi makaiskor sa unang kalahati, habang may tig-14 puntos sina Dwight Ramos at Kevin Quiambao.
Hindi naman nakapaglaro si Justin Brownlee matapos ma-sidelined dahil sa injury.











