Nakapagtala ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) ng serye ng operasyon laban sa ilegal na droga, loose firearms, wanted persons, illegal logging, smuggling at iba pang paglabag sa batas mula Agosto 21 hanggang 27, 2026.
Sa kampanya kontra droga, limang indibidwal ang naaresto sa tatlong operasyon, habang nakumpiska ang nasa 0.218 gramo ng shabu at 8.539 gramo ng marijuana.
Samantala, 21 wanted persons ang naaresto sa magkahiwalay na manhunt operations, kabilang ang isang Most Wanted Person.
Nakumpiska rin ang isang baril, isang explosive at 1,455.58 board feet ng forest products na nagkakahalaga ng tinatayang ₱97,700.
Sa kampanya kontra smuggling, isang indibidwal ang naaresto at nasa ₱24,500 halaga ng mga kontrabandong item ang nakumpiska.
Pinakamalaki naman ang bilang sa pagpapatupad ng local ordinances, kung saan 5,318 indibidwal ang na-apprehend at umabot sa ₱1.9 milyon ang nakolektang multa.











