--Ads--
Bahagyang bumaba ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong buwan matapos ianunsyo ng Department of Energy (DOE) ang bawas na ₱0.40 kada kilo o katumbas ng ₱4.40 para sa karaniwang 11-kilogram na tangke.
Ayon sa DOE, ang presyo ng 11-kilogram LPG cylinder ngayong Setyembre ay tinatayang nasa pagitan ng ₱1,031 hanggang ₱1,536, depende sa brand at lokasyon. Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na mahalaga ang anumang matitipid ng mga pamilyang umaasa sa LPG para sa kanilang pang-araw-araw na pagluluto.
Ipinaliwanag ng ahensya na kahit tumaas ang international LPG contract price, nabawi ito ng pagbaba ng freight shipping rates at bahagyang paglakas ng piso, dahilan upang bumaba ang kabuuang halaga ng inaangkat na LPG sa bansa.










